𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗕𝗔𝗦𝗧𝗢𝗦 𝗟𝗔𝗪 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗣𝗔𝗧𝗨𝗧𝗨𝗣𝗔𝗗

Papangunahan ng LGU Cauayan, GAD Focal Point System at Rotary Club Cauayan ang pagpapatupad ng Safe Spaces Act o ang “Bawal Bastos Law” sa lungsod.

Layunin nito na matugunan ang mga problema sa mga hindi kaaya-ayang gawi patungkol sa mga sexual remarks, at mga physical advances at upang maprotektahan ang mga bawat indibidwal, ano man ang sexual orientation o gender identity nito.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay Rhea Repollo, residente ng lungsod, maganda aniya ang batas na ito sapagkat makakatulong ito sa mga kababaihan na magkaroon ng boses tuwing makakaranas ng pambabastos.

Sa pagpapatupad ng naturang batas ay mapaparusahan ang mga offenses katulad ng catcalling, pagpipito, palagiang pagsasabi ng sexual jokes, stalking, paghahawak ng walang permiso, pangungurot, pagiging transphobic, at homophobic.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Ang mga lalabag dito sa unang offense ay kinakailangang magmulta ng P1,000 at isang araw na community service, habang P3,000 naman ang multa na may kasamang pitong araw na community service sa ikalawang offense, at para sa ikatlong offense ay may multang P5,000 at 15 na araw na community service.

Umapela naman ang mga awtoridad sa publiko na kung pakiramdam mo ay na-violate ka ay ‘wag mag-atubiling magsumbong sa mga kinauukulan.