Isang kuwento na naman kamakailan ang tumatalakay patugkol ipinagtagpo sa tamang oras at tamang panahon.
Isang kambal kasi ang nabuhay nang magkahiwalay na kalauna’y muling ipinagtagpo at nakilala ang isa’t isa.
Ayon sa kuwento, ipinagbili umano ang dalawa ng kanilang tatay noon dahil sa pagdududa nito na hindi niya anak ang kambal.
Na-comatose naman ang kanilang ina dahil sa pagsilang nito sa kanila.
Kalauna’y hanggang sa sila ay magdalaga, mayroong isang bagay ang parehong nakahiligan ng dalawa—ang pagti-Tiktok.
Isang araw nga ay nag-send ng isang video link ang kaibigan ng isa sa kambal na si Ano Sartania na nagtataka kung bakit nagbago ang kulay ng kaniyang buhok kung saan naging blue.
Dahil sa pagtataka ni Ano nakilala niya si Tako Khvitia na siya namang naging hakbang sa pagkakaroon ng ugnayan ng dalawa at sa nakalipas na dalawang dekada, sa wakas ay nalaman din nilang kambal sila.###WENCY LISAY