LEGAZPI CITY – Kompyansa ang Schools Division Office (SDO) Ligao City ng Department of Education (DEPED) na magsisimula mula na ng limites face to face classes sa unang pasok pa lang ng buwan ng Enero taon 2022.
Ayon kay Schools Division Superintendent (SDS) Nelson Morales ang head ng Division Office ng nasabing lungsod, 100% ay makakapagsimula na sila ng face to face classes pagpasok ng taon 2022 dahil sa nakahanda na rin ang 22 paaralan.
Tiniyak rin ng tanggapan na bago magsimula ang kanilang pagbabalik eskwela na face to face classes ay isasailalim ito sa validation at inspeksyon ang mga paaralan upang masiguro ng mga ito na masusunod ang safety protocols at guidelines na ipatutupad ng Department of Heath (DOH) , DEPED at IATF.
Layunin nito ay matiyak rin ang kaligtasan ng mga guro, magulang at mga bata na babalik sa kanilang silid aralan at maiwasan ang pagkakahawaan ng sakit na covid 19.