𝐏𝐚𝐠𝐩𝐚𝐥𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐝𝐞𝐬𝐢𝐧𝐲𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐡𝐢𝐥𝐢𝐩𝐩𝐢𝐧𝐞 𝐄𝐚𝐠𝐥𝐞 𝐧𝐠 𝐏𝟏𝐊 𝐛𝐚𝐧𝐤𝐧𝐨𝐭𝐞 𝐩𝐢𝐧𝐚𝐥 𝐧𝐚

LEGAZPI CITY – Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na pinal na at hindi na nila babaguhin pa ang disenyo o inilgay sa bagong P1,000 banknote maliban na lang sa maling scientific name ng Philippine Eagle.

Sa isang panayam sinabi ni Atty. Sarah Severina Curtis, Deputy Director ng BSP Banknotes & Securities Production Management Dept. hindi na bago ang kanilang natatanggap na pagpuna tuwing sila ay magkakaroon ng panibagong disenyo ng Philippine banknotes.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Paliwanag nito, gaya ng mga bayani, kailangan ding bigyan ng kahalagahan ang environmental awareness.

Binigyan diin nito na nagkakaroon talaga ng cycle sa pagbabago ng disenyo ng Philippine banknotes at ilang beses na ring ginamit ang agila sa pera ng Pilipinas.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Kung babalikan nitong nagdaan linggo ay inalmahan ng ilang personalidad hinggil sa pagtanggal sa P1,000 banknote ng mga mukha ng mga bayani ng World War II na sina Josefa Llanes Escoda, Vicente Lim at Jose Abad Santos kung saan papalitan ito ng Philippine Eagle.