CHINA—Kinaaliwan at viral ngayon sa social media ang isang lalaki matapos kumalat ang mga larawan at video ng kanyang pagbili ng isang brand new BMW car sa Tongren City.
Imbes kase na cash o cheque ang kanyang ibayad, isang truck ng barya o coins ang kanyang ibinigay sa car dealership.
Dahil dito, nasa 11 empleyado ng bangko na bihasa sa pagbibilang ng salapi ang ipinatawag ng kompanya upang tulungan silang magbilang ng mga baryang ibinayad ng lalaki.
Inabot ng sampong oras bago natapos ang pagbibilang ng napakaraming barya na umano’y nasa 150,000 na piraso at nasa 1,000 kilo.
Napag-alaman na ang lalaking bumili ng sasakyan ay dati palang bus driver at nag-ipon ng barya mula sa kanyang kinikita sa pagiging driver dahil sa pangarap na magkaroon ng luxury car na kanya namang natupad.### JUMEL DELA ROSA, BNFM Bicol