₱60M hydroponic farm, binuksan sa Ibaan, Batangas

Binuksan para sa mga bisita ang isang hydroponic farm sa Ibaan, Batangas.

Ang naturang ₱60M farming technology ay pagmamay-ari ng Denso Philippines Corp na inilunsad noong nakaraang taon.

Tampok sa Smart Agri farm ang mga high value crops na microgreens, kale, arugula, herbs at melon.

Read More:  Over 1,200 displaced as monsoon rains swamp Negros; Classes, sea travel suspended

Pinapatubo ang mga gulay na ito sa greenhouse buildings na climate-resilient at may sapat na proteksyon laban sa mga peste at sakit.

Read More:  Kabankalan to host first-ever night run, half marathon on July 26

Ang hydroponic technology ay ang paggamit ng tubig at coco peats bilang substitute sa lupa para mapalaki at mapalago ang anumang tanim na gulay.

Target ng smart farm na ang zero to minimal farm chemicals use.