NAGA CITY – Kinumpirma ni City Mayor Son Legacion na sa opisina ni Senador Bong Go, galing ang ₱20 million pesos halaga ng dialysis equipment na ilalagay sa Naga City General Hospital at pati na rin sa iba pang kagamitang medikal na nakatakda na ring bilhin ng Department of Health Regional Office 5.
Sa pakikipag-usap ng Brigada News FM Naga at ng mga taga media sa alkalde, sinabi nitong ang pondo ay hindi naman hahawak ng lokal na pamahalaan bagkus ay nasa DOH-5 ito na siyang magpo-procure ng mga kagamitan sa dialysis center pagkatapos na idaan sa bidding at iba pang proseso.
Nagpasalamat siya sa senador sa malaking tulong na ito ito na pakikinabangan ng mga pasyenteng taga lungsod na nagsasailalim sa pag dialysis at tanging hangad niya ay sana apurahin na ng DOH-5 ang pagbili sa mga kagamitan para masimulan na rin ang operasyon ng dialysis na siyang hinihintay ng mga pasyente.