𝟮𝟬-𝗔𝗡𝗬𝗢𝗦 𝗡𝗔 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗨𝗜𝗟𝗜𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗟𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗦𝗔 𝗔𝗕𝗨𝗔𝗡 𝗥𝗜𝗩𝗘𝗥

Patay ang isang 20-anyos na binate matapos malunod sa Abuan Rive sa sa City of Ilagan, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang nasawi na si Johnsen Pabro, 20-anyos at residente ng Minallo, Naguilian, Isabela.

Una rito, nagtungo ang biktima kasama ang kaniyang mga kaibigan sa nasabing ilog upang magpicnic at nagkaroon umano ng inuman.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na nagkayayaan umano ang biktima kasama ang kaibigan nitong si Jerry Cabantac na lumangoy at maligo sa ilog.

Sa puntong iyon, dahil sa malakas na agos ng tubig ay napadpad ang biktima at kaibigan nito sa malalim na bahagi ng ilog na nagresulta ng pagkalunod ng dalawa.

Dahil dito, hindi na nakayanan pang umahon ng biktima habang ang kaibigan naman nitong si Cabantac ay nakayanang pumunta sa mababaw na parte ng ilog kaya nakaligtas ito.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Agad naman na nagsagawa ng search and rescue operation ang kapulisan kasama ang mga residente sa lugar hanggang sa matagpuan ang bangkay ng biktima.

Sinubukan pang i-revive ang biktima habang idinadala sa pagamutan ngunit ito’y ideneklarang dead on arrival ng kaniyang attending physician.