9 na mini-bus, nagtamo ng pinsala matapos hagisan ng granada

Napinsala ang 9 na mini bus matapos na hagisan ito ng isang granada.

Nangyari ang insidente sa isang terminal sa Laurel Batangas madaling-araw kahapon.

Read More:  China warns of more entry bans over Jing Quan dispute

Ayon sa ulat ng Batangas Philippine National Police – Public Information Office (PNP-PIO), walang nasaktan o nasawi sa naturang pagsabog, ngunit nasa siyam na nakaparadang bus ang nagtamo ng minor damage.

Read More:  LTO-7 summons rider who spat on bus driver in Cebu

Patuloy ang pakikipagtulungan ng mga awtoridad sa pamunuan ng terminal para sa imbestigasyon at paghuli sa hindi pa nakikilalang suspek.