𝟭.𝟭 𝗠𝗜𝗟𝗟𝗜𝗢𝗡 𝗡𝗔 𝗧𝗜𝗟𝗔𝗣𝗜𝗔 𝗔𝗧 𝗛𝗜𝗧𝗢, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗣 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗜𝗡𝗚𝗜𝗦𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗤𝗨𝗜𝗥𝗜𝗡𝗢

Aabot sa 1,100,000 na tilapia at hito fish seeds ang natanggap ng mga mangingisda sa San Isidro, Diffun, Quirino.

Ito ay matapos magsagawa ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region 02 ng distribusyon kung saan nasa limang-daan na mangingisdang kabilang sa Indigenous People Group at ELCAC communities ang nakinabang.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Bukod dito, kabilang din sa mga nabigyan ang mga labis na naapektuhan ng nagdaang mga bagyo at nawalan ng pangkabuhayan.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Inaasahang ang naibigay na fish seeds sa mga benepisaryo ay makapagbabalik ng sapat na produksyon ng mga nasabing isda at mapalago ang pangkabuhayan ng mga ito.