Albay, wala pang naitatalang nagbebenta ng mga pinagbabawal na paputok

LEGAZPI CITY – Ibinalita ng Albay Police Provincial Office (PPO) na ngayon mismo, ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, wala pang naitatala na mga nagbebenta ng mga ipinagbabawal na paputok saan man sa lalawigan.

Kinumpirma ito ni PCapt. Kharren Formales, tagapagsalita ng nasabing tanggapan. Sa panayam sa kanya ng Brigada News FM Legazpi, sinabi nito na gayundin naman, wala rin silang naitala na anumang mga insidente dulot ng mga ipinagbabawal na mga paputok kahit pa man noong bago at sa mismong araw ng Pasko.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Umaasa si Formales na wala talagang maitalang mga lumalabang at hindi na madagdagan ang kaso ng mga naputukan sa lalawigan.

Subalit, kahit patuloy ang pagsasagawa nila ng information dissemination ukol sa negatibong epekto ng mga paputok, inaasahan naman nila na mayroon pa ring mga gagamit nito lalo na sa pagsalubong sa 2024.

Aniya, sa mga magpapatutok, tiyakin na nasa angkop o tamang lugar tulad ng fireworks display zones.

Sa Albay, ang mga lugar na mayroong fireworks display zones ay sa: Camalig, Daraga, Guinobatan, Jovellar, Legazpi City, Libon, Ligao, Malilipot, Malinao, Manito, Pio Duran, Polangui, Rapu-rapu at Sto. Domingo, samantalang wala namang itinalaga sa Tabaco City, Tiwi, Oas at Bacacay.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Sa mga nabanggit na fireworks display zones, ani Formales, mayroong mga nakatalagang police personnels upang magbantay at siguruhin ang seguridad.

Kaya kung may mamataang gumagamit ng mga pinagbabawal na paputok tulad ng watusi, piccolo, plapla, giant bawang, atomic bombs, Judas’ belt, at iba pa, agad itong kukumpiskahin ng mga otoridad.