𝟭𝟮 𝗖𝗢𝗡𝗧𝗥𝗨𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗪𝗢𝗥𝗞𝗘𝗥 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚-𝗘𝗦𝗞𝗔𝗡𝗗𝗔𝗟𝗢 𝗔𝗧 𝗡𝗔𝗚𝗣𝗔𝗣𝗨𝗧𝗢𝗞 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Inaresto ng Tuguegarao City Police Station ang labindalawang katao matapos ang kanilang panggugulo at ilegal na pag-discharge ng baril sa Barangay Carig Sur.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Police Regional Office 2, nakatanggap umano sila ng tawag sa isang concern citizen kaugnay sa pag-eskandalo ng 12 construction workers sa naturang barangay.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Agad namang rumesponde ang kapulisan kung saan nakita sa pinangyarihan ng insidente ang dalawang basyo ng bala ng baril.

Hinalughog rin ng kapulisan ang kinaroroonan ng mga inaresto at na-rekober ang isang unit caliber 22 na nakabalot sa isang black shirt, walang serial number at may nakasuksok na pitong bala habang nakita naman sa isang sako ng bigas ang isang unit caliber 45 na may nakalagay na magazine at pitong bala.

Read More:  Radio commentator killed in BARMM shooting

Sa kasalukyan, ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng PNP Tugegarao City para sa ibang proseso ng imbestigasyon.