𝟭𝟮𝟰 𝗡𝗔 𝗧𝗜𝗧𝗨𝗟𝗢 𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗣𝗔, 𝗡𝗔𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗔 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗣𝗜𝗦𝗔𝗥𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗗𝗘𝗡𝗥

Nakapagbigay na ang Department of Environment and Natural Resources Region 2 ng titulo ng lupa sa labin-limang munisipalidad sa sa lalawigan ng Isabela.

Ito ay bahagi ng mandato ng kagawaran na mabilisang pagproseso sa titulo ng lupa sa ilalim ng Handog Titulo Program.

Isinagawa ang aktibidad kasabay ng 122nd Lands Anniversary kung saan kabuoang 124 na titulo ng lupa ang naipamahagi sa 15 na munisipalidad at isang siyudad sa Isabela.

Aabot ng 125 days ang pagpoproseso ng land titles alinsunod sa batas.

Ipinunto naman ng ilang opisyal ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sariling titulo ng lupa dahil io ang magpapatunay na lehitimong pag-mamay-ari ang lupa.

Samantala, sa probinsya ng Cagayan ay nasa 302 patents na ang naibigay habang nakatada namang magsagawa ang kagawaran ng kaparehong aktibidad sa Batanes, Quirino at Nueva Vizcaya ngayong huling linggo ng Setyembre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *