𝗟𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶 𝗮𝗿𝗲𝘀𝘁𝗮𝗱𝗼 𝗺𝗮𝘁𝗮𝗽𝗼𝘀 𝗺𝗮𝗵𝘂𝗹𝗶𝗵𝗮𝗻 𝗻𝗴 𝗶𝗹𝗹𝗲𝗴𝗮𝗹 𝗻𝗮 b𝗮𝗿𝗶𝗹 𝘀𝗮 𝗟𝗶𝗴𝗮𝗼 𝗖𝗶𝘁𝘆

LEGAZPI CITY – Arestado ang isang Engine mechanic na lalaki matapos mahulihan ng baril sa Barangay Tuburan Ligao City.

Kinilala ang suspek na si Carlos Angelo Lopez Garcia, 45 anyos na residente ng nasabing barangay.

Ayon sa report, umaga ng puntahan ng mga awtoridad ang bahay ng suspek para isagawa ang search warrant operation na may kinalaman sa illegal possession of firearms.

Read More:  Aklan SB member’s home attacked in midnight shooting

Kasabay ng mga awtoridad ang CIDG Albay PFU bilang (Lead Unit); RMFB5/SWAT/504TH MC; 1st Albay PMFC; Albay Maritime Police Station; at Ligao CPS ng haloghugin ang tahanan ng suspek. Narekober ng mga ito ang isang 38 revolver na baril, Caliber 45, ibat ibang klase ng bala ng nasabing baril at isang sling bag.

Read More:  2 former NPA members surrender in Eastern Samar, Negros

Sa ngayon ang suspek at mga narekober na ibedensya ay dadalhin na sa CIDG para sa kaukulang disposisyon. Ang suspek ay mahaharap sa paglabag sa RA 10591 o ilegal possession of firearms and ammunitions.