𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜 𝗦𝗔 𝗔𝗟𝗜𝗖𝗜𝗔, 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗛𝗜𝗡𝗗𝗜 𝗟𝗜𝗦𝗘𝗡𝗦𝗬𝗔𝗗𝗢𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗥𝗜𝗟, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Arestado ang isang lalaki matapos masamsaman ng hindi lisensyadong baril sa isinigawang search warrant ng Alicia Police Station sa Barangay Linglingay.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauayan kay PNP Alicia Deputy Chief of Police Pmaj. Jojo Turingan, matagal na umanong minamanmanan ng kapulisan ang naarestong si Percival, 43-anyos.

Read More:  1,000 families affected as major fire hits Agdao, Davao City

Ito aniya ay matapos makarating sa kanilang himpilan ang impormasyon na mayroon itong hindi lisensyadong baril na kanila namang nakumpirma sa mga isinagawang imbestigasyon.

Read More:  41 women, including 10 minors, rescued in Cebu human trafficking operations

Nakumpiska mula rito ang isang unit ng caliber 38 revolver colt speciat at limang bala.

Sa ngayon, nasa kustodiya nan g PNP Alicia ang naaresto at nahaharap sa kasong paglabag sa Reupblic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.