𝗗𝗔𝗧𝗜𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗕𝗘𝗟𝗗𝗘 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗞𝗨𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗠𝗨𝗞𝗢 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡

Kusang sumuko sa pamahalaan ang isang dating rebelde sa Lasam Cagayan kung saan isinuko rin nito ang kaniyang kalibre .22 na pistol.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, kinilala ang sumuko na si alyas Dencio, 60-anyos at isang magsasaka.

Batay sa salaysay ni alyas Dencio, taong 1983 nang binisita ito ng isang aramadong grupo at hinikayat na sumali sa kanilang kilusan.

Read More:  Partner named person of interest in marine biologist’s killing

Pinangakuan umano ito na magiging maayos ang kaniyang pamumuhay at sa pamamagitan ng ibibigay na armas ay maipaglalaban nito ang kaniyang karapatan sa pamahalaan.

Nagsilbi ito bilang squad leader noong 1991 at binigyan ng M16 rifle, improvised Caliber .22 pistol hanggang sa pamunuan n anito ang kanilang sampung miyembro.

Read More:  Media groups rally behind journalist Marchel Espina over unjust vexation case

Ang bulubunduking bahagi ng Allacapan, Rizal, Sto. Niño at Apayao umano ang kanilang area of operation.

Dagdag pa nito, makalipas ang tatlong taon ay tumakas ito sa kinaanibang grupo at iniwan ang inisyu sa kaniya na M16 rifle.