π——π—”π—Ÿπ—”π—ͺπ—”π—‘π—š 𝗕𝗔π—₯π—”π—‘π—šπ—”π—¬ 𝗦𝗔 π—‘π—¨π—˜π—©π—” π—©π—œπ—­π—–π—”π—¬π—”, π—œπ——π—œπ—‘π—˜π—žπ—Ÿπ—”π—₯π—”π—‘π—š 𝗗π—₯π—¨π—š-π—–π—Ÿπ—˜π—”π—₯π—˜π——

Idineklara nang drug-cleared ang dalawang barangay sa Nueva Vizcaya matapos ang isinagawang deliberasyon sa Tuguegarao City, Cagayan, kahapon, October 5.

Ang nasabing mga barangay ay kinabibilangan ng Brgy. Busilac sa Bayombong at Brgy. Buag sa Bambang, Nueva Vizcaya.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Nueva Vizcaya Police Provincial Office, bunga umano ito ng pagtutulungan ng komyunidad, mga LGU, at kanilang mga partner agencies.

Kasama sa mga dumalo sina  PLTCOL Orlando Tacio, ang Chief PCADU, at ang Chiefs of Police mula sa Bambang at Bayombong Police Stations.

Dumalo rin sa naturang aktibidad ang mga kinatawan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Health (DOH), at mga concerned LGUs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *