𝗕𝗔𝗕𝗔𝗘 𝗦𝗔 𝗧𝗨𝗚𝗨𝗘𝗚𝗔𝗥𝗔𝗢 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗕𝗨-𝗟𝗜𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗜𝗚𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗗𝗥𝗢𝗚𝗔

Nasabat sa isang babae ang libu-libong halaga ng iligal na droga matapos ang isinagawang anti-illegal drug buy bust operation ng PNP sa Tuguegarao City, Cagayan.

Naaresto si alyas Marj, 26-anyos matapos positibong bentahan ang isang nagpanggap na poseur buyer ng isang sachet ng hinihinalang shabu.

Read More:  P6-M smuggled goods seized at Dumaguete Port

Nakumpiska pa mula sa direktang pag-iingat nito ang P104, 000 boodle money, limang piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at iba pa.

Aabot sa animnapu’t limang gramo ang kabuoang timbang ng nakumpiskang iligal na droga sa naaresto kung saan mayroon itong standard drug price na Php357, 500.00.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Sa ngayon ay nasa kustodiya nan g kapulisan ang suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.