Mga barangay sa Libon, Albay na nasa red category sa BSKE 2023, tinukoy na

LEGAZPI CITY – Tinukoy na ng Libon PNP ang mga barangay sa bayan na nasa red category o areas of concern sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (2023.

Sa ekslusibong panayam ng Brigada News FM Legazpi kay PLt. Armando Rebale, sinabi niya na ito ang walong mga barangay na kinabibilangan ng Buga, Bariw, Molosbolos, Alongong, Tambo, Logpo, Kagkos at Macabugos.

Read More:  Army seizes seven high-powered firearms from NPA in Caraga

Aniya, alinsunod ito sa revalidation ng Commission on Elections (COMELEC) at ng kapulisan at ang mga lugar na ito ay pasok sa parametro ng ipinalabas na resolusyon ng komisyon o ang COMELEC Resolution No. 10294.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Samantala, nilinaw naman ni Rebale na ang lugar kung saan nangyari ang insidente ng pamamaril-patay sa punong barangay ng San Jose ng kaparehong bayan ay hindi kasama sa mga tinukoy na red category.