𝗔𝗞𝗦𝗜𝗗𝗘𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗡𝗨𝗘𝗩𝗔 𝗩𝗜𝗭𝗖𝗔𝗬𝗔, 𝟭-𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗔𝗧 𝗔𝗣𝗔𝗧 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡

Patay ang pahinante ng forward truck matapos araruhin ng sasakyan ang isang traysikel, motorsiklo at bahay sa Bone South, Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa inisyal na nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council ng Nueva Vizcaya, possible umanong nakaidlip ng drayber ng truck dahilan upang hindi nito mapansin ang palikong bahagi ng kalsada.

Kaugnay dito, sa puntong iyon ay nawalan ng kontrol ang drayber sa pagmamaneho na nagsanhi ng aksidente at ikinasawi ng kaniyang pahinante na hindi pa pinangalanan.

Sugatan naman ang tsuper ng truck at tatlong sakay ng naararong motorsiklo habang ligtas naman ang mga nakatira sa nadamay na bahay.

Agad namang naidala sa pagamutan ang mga sugatan upang lapatan ng kaukulang lunas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *