LEGAZPI CITY – Nananawagan si Joselito Martinez , ang Kapitan ng Barangay San Roque Legazpi na sumuko na sa awtoridad ang suspek na nasa likod ng investment scam.
Ayon kay Martinez, sa una ay hindi pa ito naniniwala na mayroong investment scheme na umiikot na pala sa nasabing lungsod.
Aniya, nang makita nito ang post sa social media sa isang kongresista sa Albay ay dito naniwala at agad niyang pinuntahan ang bahay ng magulang ng suspek.
Sinabi pa ni kapitan, wala rin umano alam ang mga magulang nito kung nasaan na ang kanilang anak.
Pinakausapan nito ang pamilya na sumurrender na sa kapulisan ang kanilang anak upang dumepensa sa akusasyon na kinakaharap nito.
Dagdag pa nito, may mga residente rin ng Barangay San Roque ang nabiktima sa investment scam. Sa ngayon ay umaabot na umano sa mahigit kumulang P40M ang nakuha ng mag-asawa.
Samantala tumanggi na rin na magbigay ng anumang pahayag ang kapatid ng mga itinuturo umanong suspek bilang parte na rin ng privacy act.