VP Robredo nag paaabot ng pagbati sa Naga City sa pagiging Top 1 Overall Most Competitive Component City sa bansa

NAGA CITY- Proud si Vice President Leni Robredo sa mga parangal na iginawad sa Naga City sa katatapos pa lamang na 2021 Cities and Municipalities Competitiveness Index (CMCI).

Itinangghal ang Naga bilang Top 1 Overall Most Competitive Component City in the  Philippines. Bukod rito Naga rin ang 1st sa Infrastructure, 2nd sa Economic Dynamism, 3rd  pagdating sa  Government Efficiency,  gayon din sa Resiliency.

Read More:  2 boys found dead inside abandoned vehicle in Cebu

Hindi ito ang unang pagkakataon na nakakuha ng mga award ang lungsod sa CMCI , noong termino ni Mayor John Bongat, marami ring nakuhang pagkilala ang Naga. Ang mga tagumpay ay ipinagpatuloy ng kasalukuyang administrayon sa pangunguna ni Mayor Nelson Legacion.

Read More:  Young motorists continue illegal street racing in General Santos City

Ayon kay Robredo, hindi madali na makuha ang naturang mga awards dahil sa mga binabatayan. Kung kaya bukod sa Naga City, pinuri rin ang ibang mga LGUs na nabigyan ng pagkilala.