LEGAZPI CITY – Hawak na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Albay matapos maaresto ang construction worker sa Purok 4, Brgy. Quibongbongan, Guinobatan Albay dahil sa kasong Acts of Lasciviousness.
Kinilala nag akusado na si Alyas Joey 44 anyos residente ng nasabing barangay.
Ayon sa report, umaga ng silbi6 ng warrant of arrest ang akusado na pirmado noong Dec 14, 2021 dahil sa nasabing kaso.
Aabot sa P180K ang inirekomendang piyansa ng korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nagsimula ang insedente ay nito lamang nakaraan taon. Umuwi ng bahay ang mag ina sa nabanggit na barangay ngunit sa hindi inaasahan ay inabutan ito ng pandemya dahilan para di na makabalik sa kanilang tahanan sa Lalawigan ng Camarines Sur.
Ang suspek at biktima ay magkakamag- anak lamang nito. Agad na dinala sa CIDG Albay para sa kaukulang disposisyon.