₱5.1M halaga ng droga, nasamsam mula sa HVI sa Tagaytay City, Cavite  

Umaabot sa mahigit 5 milyong pisong halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nasamsam ng mga otoridad mula sa isang High Value Individual (HVI) sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. Silang Crossing East, Tagaytay City, Cavite.

Kinilala ni PCol. Christopher Olazo, Provincial Director ng Cavite Police Provincial Office, ang naarestong suspek na si Juliet Reyes, 38 anyos at residente ng Magalang, Pampanga.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Narekober sa suspek ang nasa humigit-kumulang 760 gramo ng pinaniniwalaang shabu na may tinatayang halaga na ₱5,168,000.00.

Nakatakas naman ang kasabwat nitong si AJ Muñoz na pinaghahanap na ngayon ng mga otoridad sa ikinasang hot pursuit operation.

Batay sa report ng Cavite PPO, ikinasa ang operasyon ng PDEA-4A, Cavite at Tagaytay PNP nitong madaling araw ng Sabado, Marso 18, 2023 matapos makatanggap ng sumbong mula sa isang alias “Bata” sa umano’y pagtutulak ng iligal na droga ng mga suspek sa Tagaytay City.

Read More:  Speed limit law set for activation in General Santos City

Nakakulong na ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.