₱200-M initial funding para sa konstruksyon ng Naga City Center for Safety and Resilience

NAGA CITY – Muli na namang nagtipon ang mga stakeholders kabilang na sina City Councilors Melvin Ramon “omar” Buenafe, Chairman ng Peace and Order ,Public Safety and Disaster Management at Coun. Joselito del Rosario, Chairman din ng Public Utilities sa konseho para i-monitor ang nagpapatuloy na pagta-trabaho ng Naga City Center for Safety and Resilience  o CESAR.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Kasalukuyan itong itinatayo sa New Balatas Development Area at may inisyal itong pondo na nagkakahalagang ₱200 milyong piso na donasyon naman mula sa isang senador at posibleng madagdagan pa, ayon kay Konsehal Del Rosario.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa paliwanag sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang ang CESAR ay siyang magiging sentro ng komunikasyon mula sa Public Safety Office at Naga City Police Office, na magbibigay ng malaking kapakinabangan sa operasyon ng mga ito sa trapiko at sa kriminalidad.