₱1.2 million bet money ng cockpit arena, tinangay ng empleyado sa Lucena City

Inirereklamo ngayon ang isang lalaki matapos umano nitong hindi i-remit ang mahigit ₱1,200,000 na bet money sa isang cockpit arena sa Lucena City nitong Martes, Mayo 21.

Read More:  NPA claims 3 civilian killings in Southern Negros in 9 days

Ayon sa report, empleyado umano ng nasabing sabungan ang suspek at trabaho nito na kolektahin ang mga taya sa lahat ng mga teller subalit nang araw na iyon ay itinakbo niya ito patungo sa hindi pa natutukoy na direksyon.

Read More:  ₱2.2-M shabu seized; ex-police, seaman among 5 arrested in Iloilo

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang operasyon ng mga awtoridad upang madakip ang nasabing suspek.