Arestado ang tatlong katao matapos ang isinagawang anti-criminality operations ng Peñablanca Police Station.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Cagayan Police Provincial Office, kinilala ang mga naaresto na sina alya Naning, 65-anyos, alyas Elena, 42-anyos ay alyas Nato, 58-anyos.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na naaktuhan ang tatlong naaresto na naglalaro ng Tong-its.
Nakumpiska mula sa kanilang direktang pag-iingat ang P1,690 na bet money at dalawang playing cards.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng PNP Peñablanca ang mga naaresto para sa karagdagang dokumentasyon.
Patuloy naman nagpapaalala ang kapulisan sa publiko na iwasang masangkot sa mga iligal na gawain tulad ng iligal na pagsusugal.