𝟮 𝗘𝗦𝗧𝗨𝗗𝗬𝗔𝗡𝗧𝗘 𝗦𝗔 𝗔𝗨𝗥𝗢𝗥𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗕𝗘𝗟𝗔, 𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗣𝗔𝗦𝗔𝗛𝗘𝗥𝗢𝗡𝗚 𝗝𝗘𝗘𝗣; 𝗜𝗦𝗔-𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬

Patay ang isang estudyante habang kasalukuyang nasa pagamutan naman ang isa pa matapos mabangga ng pampasaherong jeep sa Barangay Sta. Rosa, Aurora, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang nasawi na si Shinrence Estanislao, 16-anyos habang kasalukuyang nasa pagamutan naman ang isa pang 15-anyos na estudyante.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Lumalabas sa imbestigasyon ng Aurora Police Station na patungong hilagang direksyon umano ang minamahenong jeep ni Daniel Comesario, 67-anyos ngunit dahil sa traffic ay lumiko ito pakaliwa kung saan aksidenteng nahagip ang dalawang estudyante na naglalakad lamang sa gilid ng daan.

Read More:  Man killed in riding-in-tandem attack at Bacolod computer shop

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa nangyari habang kasalukuyang nasa kustodiya na ng PNP Aurora ang drayber ng jeep at posibleng maharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting to Homicide and Serious Physical Injury.