Aabot sa tatlumpung milyong piso ang halaga ng farm machineries na ipinamahagi ng Department of Agrarian Reform sa kanilang mga benepisaryo sa Tabuk City, Kalinga.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, nasa 960 ang benepisaryo ng nasabing kagawaran kung saan ito ay mula sa 24 na organisasyon sa bawat barangay sa Tabuk City.
Kasabay ng nasabing pamamahagi ay mayroon ding 772 agrarian reform beneficiaries ang nakatanggap ng kanilang Certificates of Land Ownership Award.
Ang nasabing distribusyon ay bahagi pa rin ng Sustainable and Resilient Agrarian Reform CommunitiesProjects ng kagawaran kung saan layunin nitong masuportahan ang mga magsasaka sa pamamagitan ng farm mechanization projects.
Kabilang sa ibinigay na kagamitan ay ang tig-tatlong unit ng combine harvester at tractor 4 units tractor with corn kit and trailer, 16 units grasscutter, 1 unit hand tractors, at iba pa.