Kinumpirma ng Provincial Agriculture Office sa Cagayan na aabot na sa 214 million pesos ang naitalang inisyal na halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura sa probinsya matapos manalasa ang bagyong Egay.
Batay sa ibinahaging datos ng tanggapan, nasa 28, 730 hectares ng taniman ng mais na nasa reproductive at vegetative stage mula sa labinpitong munisipalidad sa lalawigan ang apektado.
Ito ay matapos ang lakas ng ulan na sinabayan ng malakas na pagbugso ng hangin sa pananalasa ng bagyo.
Aabot naman sa 28, 651 na magsasaka mula sa Sta. Ana, Camalaniugan, Lasam, Abulug, Iguig, Rozal, Sto. Niño, Tuao, Alcala, Gonzaga, Baggao, Allacapan, Buguey, Piat, Solana, Peñablanca, at Aparri ang apektado.
Samantala, inihayag Provincial Veterenary Office ng Cagayan na nasa P1,050,380 na ang naitalang pinsala sa livestock industry.