Nasabat ng Sta. Fe Police Station ang isang milyong halaga ng hindi dokumentadong nilagaring narra na illegal na binabiyahe matapos ang pinaigting na laban kontra illegal-logging ng DENR.
Sa nakuhang impormasyon ng Brigada News Team sa Police Regional Office 2, ang mga suspek ay kinilalang sina alyas Sam, helper, 30-anyos at alyas Tamtam na siyang drayber ng sasakyan.
Aabot sa higit isang-daan ang nakumpiskang Narra lumber and flitches na isinakay sa isang elf truck at binalutan ng mga saging.
Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng DENR-CAVAROMS ang mga nakumpiskang iligal na nilagaring kahoy at elf truck para sa tamang disposiyon.
Samantala ang naaresto namang helper ay nasa kustodiya nan g Sta Fe Police Station habang patuloy na pinaghahanap ang drayber na nagawang makatakas.