𝗣𝗜𝗡𝗨𝗡𝗢 𝗡𝗚 𝗦𝗜𝗡𝗗𝗜𝗞𝗔𝗧𝗢 𝗔𝗧 𝗧𝗜𝗡𝗔𝗚𝗨𝗥𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗧𝗢𝗣 𝗦𝗖𝗔𝗠𝗠𝗘𝗥 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟮, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗦𝗔 𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡

Sa kulungan ang bagsak ng isang lalaking tinaguriang top scammer sa lambak ng Cagayan matapos itong ma-aresto ng PNP Isabela Provincial Fugitive Unit (PFU) katuwang ang Cauayan City Police Station kamakailan sa lungsod ng Cauayan.

Kinilala ang scammer na si alyas “Norly” kung saan tinangay nito ang milyong halaga ng pera mula sa mga biktimang kaniyang niloko.

Read More:  Two farmers die in sulif ritual over land dispute in Sarangani

Nahaharap ngayon sa kasong syndicated estafa si Norly at hindi ito makakakuha ng pansamantalang kalayaan sapagkat hindi ito pasok para makapag-piyansa.

Base sa ulat ng mga pulis, si Norly ay ang pinuno ng sindikato na tumatarget sa mga negosyanteng nais mag-invest sa mga bogus businesses o mga projects.

Read More:  Old school bus sunk off Cebu island to create artificial coral reef

Papangakuan nito ang mga investors na malaki ang babalik sa kanilang pera subalit sa kasamaang-palad ay walang naibalik na kahit piso sa mga biktima.

Nasa pangangalaga na ngayon ng PFU Office ang suspek para sa kaukulang dokumentasyon.