Bumaba sa pangalawang quarter ng taon ang naitatalang krimen sa Bontoc, Mountain Province base sa datos na ibinahagi sa isinagawang Municipal Peace and Order Council meeting.
Inihayag ni PNP Bontoc Chief of Police PMaj Pedro Tactay, batay sa kanilang monitoring mula April hanggang June 21, 2023 ay nasa siyam na kaso lamang ang naitalang krimen.
Aniya, mas mababa umano ito kumpara sa naitalang krimen nitong unang quarter ng taon kung saan kabilang sa mga naitala ay rape, illegal gambling, arson, attempted rape, at aksidente sa daan.
Bukod ditto, nakapagtala rin ng 167 violations sa Municipal Traffic Code kung saan 85 rito ay illegal parking at 24 na iba pang obstruction cases.
Nakatulong umano ang mahigpit na implementasyon ng mga ordinansa sa pagbaba ng krimen sa lugar.