𝗡𝗔𝗔𝗔𝗚𝗡𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗟𝗔𝗞𝗜, 𝗡𝗔𝗞𝗜𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚-𝗟𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗢𝗚

Natuklasang palutang-lutang sa Malidong River na sakop ng Pidigan, Abra ang naagnas na katawan ng isang lalaki.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, kinilala ang nasawi na si Gregorio Pugal, 53-anyos at residente ng Sao-atan, Bangued, Abra.

Read More:  Soldiers trek 25 kilometers carrying school chairs for Indigenous students in Davao del Norte

Una rito ay nakatanggap umano ng impormasyon ang Pidigan Police Station hinggil sa natagpuang bangkay na nasa stage of decomposition.

Dahil sa post sa social media ay nalaman ng kapulisan ang pagkakakilanlan ng nasabing bangkay na natagpuang walang damit at mayroong tattoo sa kaniyang dibdib.

Read More:  Flooding hits two Barangays in GenSan

Lumalabas sa isinagawang imbestigasyon ng pulisya na nalunod umano ang biktima sa ilog na nagsanhi ng kaniyang kamatayan.