Kasong frustrated murder at paglabag sa election gun ban ang haharapin ng estudyanteng bumaril sa kaniyang nililigawan sa parking lot ng isang unibersidad a Tuguegarao City, Cagayan.
Sa isang panayam kay PCapt. Ana Marie Anon gang tagapagsalita ng PNP Tuguegarao, lumalabas aniya sa kanilang pagsisiyasat na maaaring ang pagiging magkaibigan lamang na turing ng biktima ang naging dahilan ng pamamaril ng suspek.
Kaugnay nito, nasa maayos nang kalagayan ang biktima matapos itong tamaan ng bala ng baril sa kaniyang leeg.
Narekober ng kapulisan sa sasakyan ng suspek ang isang bala ng posibleng caliber 45 at magazine na mayroon pang tatlong bala at isang fire cartridge naman ang nakita sa pinangyarihan ng insidente.
Kasalukuyan pang inaalam ng pulisya ang pagkakakilanlan ng may-ari ng baril na ginamit ng suspek.
Samantala, matapos ang krimen ay narekober sa Barangay Gosi Norte ang sasakyan habang hindi na nakalabas pa ng lunsod ang suspek dahil isinuko siya mismo ng kaniyang mga magulang.