Sinuspinde na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batanes ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan maging ang trabaho ng mga empleyado ng gobyerno at pribadong establishimento.
Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Provincial Government of Batanes, ang suspension ay upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa kung saan itinaas na rin sa Signal No. 2 ang probinsya.
Personal namang tinutukan ni Batanes Governor Marilou Cayco ang paghahanda ng mga Local DRRM sa probinsya para sa mga posibleng epekto ng bagyo.
Binisita ng opisyal ang Emergency Operations Center ng bawat bayan sa Basco, Mahatao, Ivana at Uyugan upang matiyak ang kahandaan ng mga ito.
Tiniyak rin ang kahandaan ng mga evacuation centers at mga heavy equipment na posibleng magamit.
Sa ngayon ay mayroong mahigit 6,000 family food packs ang naka-preposition na sa bawat bayan at handing ipamahagi anumang oras sa mga maapektuhan ng pananalasa ng bagyo.