𝗞𝗔𝗞𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗕𝗨𝗬𝗘𝗥, 𝗣𝗥𝗢𝗕𝗟𝗘𝗠𝗔 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗦𝗔𝗦𝗔𝗞𝗔; 𝗜𝗡𝗔𝗡𝗜𝗡𝗚 𝗣𝗜𝗡𝗬𝗔, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗣𝗔𝗞𝗔𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗬𝗢𝗣

Nabubulok at ipinapakain na lamang sa mga alagang hayop ang mga sobrang aning pinya ng mga magsasaka sa Cagayan at Isabela dahil hindi ito naibebenta.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa Rural Rising Philippines, wala umanong magawa ang mga magsasaka sa Echague, Isabela kundi ipakain na lamang sa mga alagang kalabaw at kabayo ang mga produktong pinya habang sa babaoy naman ipinapakain ang mga ani ng mga magsasaka sa Sta. Ana, Cagayan.

Read More:  German national dies in Mandaue pension house fire

Hindi lamang umano kilo-kilong pinya ang ipinapakain na lamang sa mga hayop kundi tone-tonelada kung saan ang mga pinya ay special variety pa mula sa Hawaii.

Dahil dito, nagsagawa na ang Rural Rising Philippines ng Pineapple Rescue Buy upang matulungan ang mga magsasaka.

Sa ngayon ay natulungan nang makapagbenta ang mga magsasaka sa Echague at San Guillermo ngunit marami pa umanong suplay.

Read More:  Missing 19-year-old woman found dead in Cebu

Samantala, nagkaroon na rin ng aksyon ang DA Regional Field Office 2 kung saan ilang mga Farmers’ Cooperative Associations ang natulungan nang magbenta.

Patuloy ang paghahanap ng mga ito ng buyer upang matulungan ang mga magsasaka sa kanilang kita at hindi masayang ang pagod at sakripisyo ng mga ito sa pagtatanim.