Pagtaas ng sahod sa Central Luzon, tinatalakay na sa Wage Board

Inumpisahan na ng Tripartite Wages and Productivity Board na pag-usapan ang tungkol sa panibagong hiling na umento sa sahod sa Central Luzon.

Ito ay makalipas ang isang taon mula nang ipatupad ang pinakahuling dagdag sa arawang sahod na 40 pesos sa mga mimimum wage earners sa rehiyon.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Ayon kay RTWRB OIC Board Secretary Kenneth Liza, june 13 nang matanggap ng board ang hiling ng mga labor union na omento na nagkakahalaga ng 1,100 pesos na pinaniniwalaan ng mga ito na sasapat taas ng bilihin ngayon.

Bago desisyunan, dadaan pa sa mahabang proseso ang petisyon gaya ng board deliberation at maraming public consultation sa lahat ng probinsya sa Central Luzon.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Matatandaan,una nang nagpatupad ng kwarenta pesos na wage increase sa national capital region dahilan para ipanawagan ang omento sa sahod sa ibang mga rehiyon sa bansa//Christian Andres-BNFM Olongapo