𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟮𝟰,𝟬𝟬𝟬 𝗡𝗔 𝗜𝗡𝗗𝗜𝗕𝗜𝗗𝗪𝗔𝗟 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗔𝗣𝗘𝗞𝗧𝗔𝗗𝗢 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗚𝗗𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢; 𝗟𝗜𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗨𝗡𝗜𝗦𝗜𝗣𝗔𝗟𝗜𝗗𝗔𝗗; 𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗨𝗣𝗟𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗞𝗨𝗥𝗬𝗘𝗡𝗧𝗘

Umabot na sa 24,114 na indibidwal sa probinsya ng Cagayan ang naitalang apektado ng nagdaang bagyong Egay.

Batay sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council sa Cagayan, 7,000 na pamilya ang apektado mula sa dalawampu’t dalawa na munisipalidad sa probinsya.

Read More:  How This Family Business in GenSan is Modernizing for a New Era of Doing Business

Ang nasabing mga apektadong residente ay nailikas na at pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center.

Samantala, nananatiling walang suplay ng kuryente sa limang munisipalidad sa Cagayan na kinabibilangan ng Barangay Dalin, Baggao; Sta. Teresita, Gonzaga, Sta. Ana at Buguey.

Read More:  Woman rider suffers injuries after crashing due to stray dog crossing road in Aborlan

Sa n gayon ay nagpapatuloy ang isinasagawang paglikas sa mga residenteng apektado ng pagbaha habang namamahagi naman ng relief goods ang DSWD Regional Field Office 2.