Sa kulungan ang bagsak ng dalawang indibidwal sa Tuguegarao City matapos silang ma-aresto ng mga awtoridad dahil sa iligal na droga kahapon, ika-14 ng Enero.
Kinilala ang two street-level individuals na sina alyas “Girlie” at “Dindo” na nagbenta ng dalawang pakete ng hinihinalang shabu.
Tinatayang aabot naman sa 70 grams ang timbang nito na mayroong P476,000 na standard drug price.
Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 ang dalawang supesk na nasa pangangalaga na ngayon ng PDEA Region 2.