Namnama – ito ang naging inspirasyon ni Ynann Novien sa kaniyang ginawang evening gown para sa kandidata ng bansang Sierra Leone sa katatapos na Miss Earth 2023.
Tubong bayan ng Allacapan, Cagayan si Novien kung saan kasalukuyan ito ngayong nag-aaral sa Cagayan State University Carig Campus bilang isang 2nd Year Crimonology student.
Sa facebook post nito, sinabi niya na huwag matakot magkamali, basta’t mayroon kang namnama o pag-asa, lahat ng iyong pangarap ay posible.
Kaugnay nito, ang naturang evening gown ay gagamitin pa sa isang pageant sa Pakistan ngayong buwan bago ito ibalik sa Pilipinas.