𝗔𝗕𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗔𝗠𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡, 𝗡𝗜𝗡𝗔𝗞𝗔𝗪; 𝗦𝗨𝗦𝗣𝗘𝗞 𝗡𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔, 𝗔𝗥𝗘𝗦𝗧𝗔𝗗𝗢

Nagawa pang pagnakawan ng isang dalaga ang ang lamayan sa Brgy. Sampaguita, Solana, Cagayan kung saan humigit kumulang P64, 000 ang nakulimbat nito.

Kinilala ang naaresto na si alyas Maris, 29-anyos, residente ng Barangay Maguirig.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Isinalaysay ni alyas Tito na napansin nitong nawawala ang abuloy mula sa lamay ng kaniyang asawa na kanilang itinabi sa kanilang kwarto.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na mayroon umanong nakakita sa kay Maris na pumasok ito sa kwarto ng biktima na kalauna’y nakumpirmang siya ang nagnakaw ngunit P25, 000 na lamang ang naibalik nito.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

Kasalukuyan nang nasa kustodiya na ng Solana Police Station ang suspek para sa karagdagang dokumentasyon.