₱3.4M na halaga ng shabu nasamsam sa Naga City

NAGA CITY – Tinatayang nasa ₱3.4M na halaga ng pinaniniwalaang shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa isang drug personality matapos ang inilunsad na Buy Bust Operation sa isang subdibisyon sa lungsod ng Naga, 12:40 kahapon ng hapon.

Ayon sa ulat ng Naga City Police Office, kinilala ang suspek na si Quincy Nieto , 37-anyos  residente ng Monserat, Magarao Camarines Sur.

Read More:  HBONI, DOST push science-based development in Himamaylan IP community

Sa loob ng isang abandonadong bahay sa loob ng subdibisyon nangyari ang bilihan ng items, kung saan isang knot tied transparent plastic sachet laman ang tinatayang nasa limampong gramo ng shabu ang nabili ng tumayong poseur buyer na pulis.

Nang magka-abotan na ng items, kaagad na nagbigay ng hudyat ang poseur buyer at mabilis na pinalibotan ang lugar ng mga operatiba.

Read More:  Mother nabbed in drug bust, 3 children left with neighbors

Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang karagdagang mga knot tied plastic sachet laman ang parehong droga na aabot sa 500 grams ang timbang, pinatuyong dahon ng marijuana na aabot sa P1,200 at ang ginamit na buy bust money.

Mahaharap sa kasong paglabag ng R.A 9165