Zipline sa Seven Falls, ipinasara

KORONADAL CITY- PANSAMANTALANG ipinasara simula noong Agosto 1 ang Zipline sa Seven Falls sa bayan ng Lake Sebu, South Cotabato.

Ang closure ay bunsod ng ipinatutupad na taunang check up at maintenance ng mga cable sa zipline.
Ngunit nilinaw ng Seven Falls Project Management Unit na bukas pa rin ang entrance papunta sa Falls No.1 at Falls No. 2.

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system
Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Wala namang itinakdang petsa kung kailan muling magbubukas ang zipline.
Ang zipline at Seven Falls sa naturang bayan ang mga top tourist attractions sa South Cotabato.