Mahigit P280K halaga ng ayuda mula sa DSWD ipinamahagi sa mga pamilyang apektado ng baha sa Masbate

SORSOGON CITY – Maliban sa cash aid na nagkakahalaga ng P284, 850 mula sa DSWD-Bicol, naihatid na rin ang aabot sa 450 Family Food Packs (FFP) sa lokal na pamahalaan ng Mobo, Masbate.

Ang ayuda ay para sa mga na-displaced na pamilyang naapektuhan ng pagbaha dulot ng malakas na pag-ulan dahil sa Tropical Depression Ester noong nakaraang linggo.

Read More:  Caretaker dies after stabbing incident in San Vicente, Palawan

Bagama’t lumabas na sa Philippine Area of Responsibility ang sama ng panahon, nagdulot pa rin ng pagbaha ang ulang dala nito.

Sa kasalukuyan, mayroong mga residente na lumikas patungo sa kani-kanilang mga kamag-anak.

Noong Lunes, Agosto 1, ang DSWD-Bicol ay may naitalang 133 pamilya o 746 na katao ang lumikas samantalang umabot naman sa 495 na pamilya ang naitalang naapektuhan.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Kahapon ay nakapamahagi na rin ng non-food items ang kagawaran para naman sa mga pamilyang nasira ang bahay.

Kinabibilangan ito ng family kits, sleeping kits, hygiene kits at kitchen utensils.