Zero incident target ng PNP sa mangyayaring One People’s March at Grand rally sa Naga City ngayong araw

NAGA CITY- Zero incident ang target ng kapulisan sa mangyayaring grand rally at One People’s March ng mga sumusuporta sa Bicolanang kandidatong pangulong si Vice President Leni Robredo, katandem na si Sen. Kiko Pangilinan at kanilang senatorial line up.

Halos 800 na mga pulis , criminology interns at mga force multipliers ang idedeploy para sa aktibidad para mag mapanatili ang kapayapaan. Mahigit 300,000 ang dadalo , welcome ang anumang kulay politika at lahat ng ecumenical o religious group.

Read More:  68-year-old Cebu grandfather jailed over alleged begging freed after viral story

Ayon kay PCol. Errol Garchitorena ng security cluster , sapat na ang itinalagang pwersa subalit kung kinakailangan pa ng dagdag na mga uniformed personnel nakahanda naman ang augmentation ng PNP Camarines Sur.

Samantala, sinabi ni Retired Col. Marlon Meneces magkakaroon ng random inspection ng backpack kaya huwag makikipagmatigasan para sa seguridad ng lahat.

Activated muli ang Border Control Points, dito bibigyan ng direksyon ang mga papasok o daraan lamang sa Naga. Ituturo rin ang mga nakatalagang parking areas.

Read More:  Man found handcuffed, tied inside septic tank in Davao City

Asahan ang kaliwa’t-kanang pagbigat ng daloy ngtrapiko dahil sa pagsasara ng ilang pangunahing kalsada tulad ng Magsaysay Ave at Panganiban Drive.  Alas-6 ng gabi Mayo 5, isinara na ang Magsaysay Avenue simula kanto ng Penafrancia Ave.- San Felipe Road hanggang Rotonda.  Mamayang alas dose naman sarado na ang P. Burgos St., P. Burgos-E. Angeles junction patungo sa Panganiban at buong Panganiban Drive.

Sa mga hindi supporters ng Leni- Kiko tandem, respeto ang hiling ng mga organizers.