Naabot na ng lalawigan ng Zambales ang herd immunity nito sa vaccination program kontra corona virus disease.
Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Noel Bueno, umabot na sa 70% ang fully vaccinated sa lalawigan habang ang naturukan ng 1st dose ay 75%.
Tumaas na aniya ang vaccination rate ngayon ng probinsiya sa kabila na may ilang priority group pa rin ang hindi pa nakakapagdesisyon kung magpapabakuna.
Maging ang mga pasyenteng may covid-19 na nakaadmit umano sa Pres. Ramon Magsaysay Memorial Hospital ay apat na lamang.
Nabawasan na rin maging ang sakripisyo ng mga commuters matapos na tanggalin na ng Provincial IATF ang dalawa nitong border control points.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
