Problema sa pamasahe at baon dahilan nang hindi pagpasok sa eskwelahan ng mga bata ngayong mayroon nang limited face-to-face classes sa Camarines Norte

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Department of Education na bagamat maraming mga bata ang mas gusto ng face-to-face classes kaysa sa distance learning ay pinoproblema naman ngayon ng mga magulang ang pamasahe at baon sa pagpasok sa eskwela.

Ayon kay Schools Division Superintendent Nympha Guemo may mga eskwelahan na kakaunti ang pumapasok na mga estudyante lalo na ang mga malalayo ang bahay dahil sa mahal na pamasahe.

Apektado raw kasi ang hanapbuhay ng mga magulang dahil pa rin sa epekto ng COVID- 19 pandemic.

Batay aniya sa datos ang Camarines Norte Division ang may pinakamalaking percentage ng mga eskwelahan sa Bicol Region na sumali sa progressive expansion ng limited face-to-face classes.

Nasa 282 o 92. 86 % ng kabuuang 324 na eskwelahan sa elementarya at sekundarya ang lumahok sa face-to-face classes na sinimulang ipinatupad sa lalawigan noong Marso 1.

Read More:  5 NPA rebels killed in Negros Occidental clash

Pero kung ang Camarines Norte ang may pinakamaraming percentage ng eskwelahan na lumahok sa expanded limited face-to-face ay hindi naman umano gaano kalaki ang bilang ng mga estudyante na pumapasok lalo na sa sekundarya.

Batay sa datos ng ahensiya as of March 9, 2022 sa 98, 431 na estudyante sa elementarya nasa 78, 079 ang nagre-report face-to-face o 79. 32 %.

Pagdating naman sa sekundarya nasa 78, 075 ang pumapasok mula sa 62, 508 na inisyal na nag signify na lalahok sa face-to-face.

Sa Junior High School nasa 27, 032 ang pumapasok sa eskwelahan o 53. 21 % mula sa 20, 585 na unang nagsabi na papasok sa eskwelahan.

Habang sa Senior High School ay nasa 6, 031 ang pumapasok o 36. 66 % mula sa 4, 850 na inisyal na nag signify na dadalo sa face-to-face classes bago ang Marso 1.

Read More:  16-year-old alleged gunman linked to Cebu City slaying

Ani Guemo kung titingnan umano ang mga datos ay mapapansing mababang masyado ang enrollees sa secondarya lalo na sa Senior High School.

Sinasabing ang karaniwang rason nito ay ang paglipat ng bahay ng mga estudyante at marami din ang napilitang nang magtrabaho kaya mas pinili ang modular learning.

“Kung gaano karami ang paaralan dito po sa Camarines Norte na sumali sa limited face-to-face sa expansion, hindi gaano kalaki ang sumali namang estudyante lalong lalo na sa secondary, both Junior and Senior High School,” ani Guemo sa programang DepEd Hour.

“Siguro itong mga batang ito ay gustong- gustong pumasok, only that siyempre they have to follow their parents kasi siyempre ang inisip ng magulang yung pamasahe, yung baon.”