Yasmein Kurdi, pinarangalan sa Lahi Awards 2021

Kinilala ang aktres na si Yasmein Kurdi bilang Most Remarkable Actress of the Year sa ikatlong Dangal ng Lahi Awards 2021 na ginanap sa Okada Manila.

Ibinahagi ng aktres ang kaniyang panibagong milestone sa Instagram kung saan ay makikita sa mga litrato niya ang suot niyang black outfit habang tinatanggap ang kaniyang plaques of recognition.

Isinulat ni Yasmien sa caption ng post, na “truly blessed” at “humbled” siya sa pagtanggap ng panibagong pagkilala.

Noong ilang araw lamang ang nakararaan, ay kinilala rin si Yasmien bilang Most Inspiring Filipino Actress of the Year sa Gintong Parangal 2021 na ginanap sa The Manila Hotel.

Kasalukuyang bahagi ngayon si Yasmien sa GMA-7 series na “Las Hermanas,” na kinabibilangan rin nina Thea Tolentino, Faith Da Silva, at Albert Martinez.