Naniniwala si Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na isa sa maituturing na ‘greatest asset’ ng Pilipinas ay ang matatag na workforce nito.
Sa question and answer portion sa kanyang pagdalo sa New York Stock Exchange Economic Forum sa Amerika sinabi ng Pangulo na patunay dito ang tagumpay ng mga overseas filipino workers at ang mga development ng mas sopistikadong negosyo na pumapasok sa bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos patuloy na nagsisikap ang bansa para sa pagpapaunlad ng education system lalo na sa teknikal na aspeto nito.
Binigyan-diin din ng punong ehekutibo na ang Pilipinas ang ‘youngest country in Asia’ sa ngayon kung kaya’t bentaha ito pagadating sa population dividend.
Inihayag naman ni Pangulong Marcos na kailangan na patuloy na mamuhunan sa mga kabataan, patuloy na sanayin ng mabuti, upang maging competitive saan mang bahagi ng mundo at higit sa lahat sa Pilipinas kasama ang mga partners at mga kaalyado ng bansa.
